
Kumakain ka ng adobong kangkong sa Comcen, MSU pero yung mata mo nandoon sa legs nung girl sa kabilang table na naka-mini skirt. Sa isip mo “Wow, legs pa lang ulam na!” Ang sarap tuloy ng kain mo, ano?
Napansin ka nung girl at bigla kang tiningnan ng masama. Nagulat ka at muntik ka ng mabilaukan. Bigla kang nalito yung mata mo kung saan saan napunta, halos maduling ka di mo alam kung saan titingin. Nang matauhan ka pabulong na sinabi mo… “Walang hiya naman Oo… Susuot-suot ng mini-skirt ayaw naman magpakita….”
——————–
Nakatambay ka sa BA… Bigla mong napansin yung crush mo sa malayo naglalakad papunta ng Dean’s Office… Tingin ka bigla doon sa may salamin kung maayos ba ang porma mo. Tapos bigla tingin ulit sa naglalakad mong crush.
Nung nasa malayo panay ang tingin ngayon malapit na bigla kang tumingin sa mga damuhan. Tapos yung dala mong libro bigla mong dinikit sa dibdib mo. Para bang feeling mo na alam niya na crush mo siya at pagtinakip mo yung libro sa dibdib mo di niya malalaman yun.
Bigla siyang tumigil sa harap mo, kinabahan ka ng todo. Feeling mo buking ka na… Nakahinga ka lang nung maglakad uli papasok ng building…
Hello!?! Gumising ka na Bro… Wala kang mapapala kung hanggang tingin ka lang.
——————–
Nandoon ka sa Royale, doon sa may snack-inn at bakery yung Coke mo halos dalawang oras mo ng iniinom di mo pa nauubos. Paano di pa dumadaan yung crush mo kaya hintay ka ng hintay. Sa isip mo naka-ilang libong practice ka na kung ano ang sasabihin mo at paano mo kakausapin.
Biglang dumaan kasama ng friends niya galing ng Gym. Tayo ka agad papunta sa direction nila nung malapit ka na bigla kang naglakad papuntang 5th Street. Habang naglalakad minumura mo sarili mo “Huhuhuhu… bakit ba ang torpe ko.” Pero sabi mo ayos lang sulit naman yung dalawang oras na paghihintay nakita ko naman siya kahit 30 seconds lang.
Hahahahah… (Hopeless talaga!)
——————–
Makakasalubong mo yung crush mo… Sa hindi maintindihan bakit palagi kang kinakabahan pagnakikita siya. Kaya hayun sa tuwing makikita mo siya nagkukubli ka sa likod ng mga friends mo. Matapang ka lang pagkasama mo mga friends mo pero pagwala sila “helpless” ka rin. Hahahahah…
Sa hindi maipaliwanag na dahilan palagi kang lumalayo pag papalapit ang crush mo. Ewan mo ba ang laki ng galit mo sa kanya. Lahat na ng paraan gagawin mo para maiwasan mo siya. Pero habang iniiwasan mo lalo ka atang nade-develop sa kanya. Huhuhuhu… (Paradox of Intention, ang tawag jan…)
——————–
Nakatingin sayo si Sir, ang lagkit ng tingin niya sobra para kang binuhusan ng honey. Bigla mong nilagay yung kamay mo sa leeg. Hinihimas mo yung leeg mo para tanggalin ang lagkit ng tingin niya. Hindi ka mapakali kung saan saan ka titingin, kinausap mo yung katabi mo, wa-epek hindi ka sinasagot. Nagkukubli ka sa likod nung student sa unahan mo, wa-epek din kasi nag-change position si Sir. Para kayong naglalaro ng hide-and-seek kayo lang dalawa ang nakakaalam. Sa dinami-dami ng kaklase mo clueless sila kung anong nangyayari.
No choice! Di pwedeng mag-cutting class habang nasa loob ng classroom. Sa isip mo “Walang hiya tong teacher na to ah!!! Ang sama makatingin.” Sa isip ng teacher mo “Ano kayang kasalanan ng student na to… bakit parang may tinatago….” Hahahaha… Pareho kayong mali…
——————–
Nakaupo ka sa MSU Grandstand, nangangarap ng gising, kung saan saan napunta yung isip mo. Nakailang hi, hello, salam, kumusta, saan kayo punta, sa mga dumadaang kakilala mo. Wala kang load kaya di rin maka-text. Di mo alam ang gagawin at wala ka ring magawa. Bigla kang tumayo naglakad di mo alam kung saan pupunta – sa Comcen ba o sa Golf Course? Narinig mo pangalan mo, bigla kang napalingon nakita mo yung kaibigan mong mayaman sabi mo sa sarili mo “Praise the Lord, Hallelujah… Makakain na naman ako ng libreng pater… hehehehe…”
——————–
Papunta ka ng Iligan, ng sumakay ka ng jeepney yung nasa harapan mo sobrang ganda. Dilat mata kang nakatingin sa kanya, nirerecord mo bawat guhit at mukha niya mula mata, ilong, labi, kilay, at kung ano ano pa. Napansin niya kaya tumingin din sayo natauhan ka kay biglang tingin sa malayo. Pa-simple ka pa kunwari biglang dukot ng cellphone tapos parang naghahanap ng cell site yun pala ginagamit mo lang yung cellphone mo bilang salamin para makita mo kung nakatingin pa rin siya sayo. Wa-epek kaya, nagtulog-tulogan ka kunwari…
Hello!?! Take your time Bro. matagal naman ang biyahe papuntang Iligan eh…